Ayon kay Lucas
2 Nang panahong iyon, iniutos ni Cesar Augusto na magparehistro ang lahat ng tao sa imperyo. 2 (Nangyari ang unang pagpaparehistrong ito+ noong si Quirinio ang gobernador ng Sirya.) 3 At ang lahat ay nagparehistro sa kani-kanilang lunsod. 4 Kaya mula sa lunsod ng Nazaret sa Galilea, pumunta si Jose+ sa Judea, sa lunsod ni David na tinatawag na Betlehem,+ dahil miyembro siya ng sambahayan at angkan ni David. 5 Nagparehistro siya kasama ang asawa niyang si Maria,+ na malapit nang manganak.+ 6 Habang naroon sila, dumating ang araw ng panganganak niya. 7 At isinilang niya ang kaniyang anak na lalaki, ang panganay,+ at binalot niya ito ng tela at inihiga sa isang sabsaban+ dahil wala silang ibang matuluyan.
8 May mga pastol din sa lugar na iyon na naninirahan sa labas at nagbabantay sa gabi sa kanilang mga kawan. 9 Biglang nagpakita sa harap nila ang anghel ni Jehova, at ang kaluwalhatian ni Jehova ay suminag sa palibot nila, at takot na takot sila. 10 Pero sinabi ng anghel: “Huwag kayong matakot, dahil ang dala ko ay magandang balita na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. 11 Ipinanganak ngayon sa lunsod ni David+ ang inyong tagapagligtas,+ ang Kristo na Panginoon.+ 12 At ito ang isang tanda para sa inyo: May makikita kayong isang sanggol na nakabalot ng tela at nakahiga sa sabsaban.” 13 Biglang nagpakita ang napakaraming anghel,*+ at pinuri nila ang Diyos kasama ng anghel: 14 “Luwalhatiin nawa ang Diyos sa langit, at sa lupa ay magkaroon ng kapayapaan+ ang mga taong may pagsang-ayon* niya.”
15 Kaya nang umakyat na muli sa langit ang mga anghel, sinabi ng mga pastol sa isa’t isa: “Pumunta na tayo sa Betlehem para makita ang mga bagay na ipinaalám sa atin ni Jehova.” 16 Dali-dali silang pumunta at nakita nila si Maria, pati si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. 17 Pagkakita rito, ipinaalám nila ang mensaheng sinabi sa kanila tungkol sa bata. 18 Ang lahat ng nakarinig ay namangha sa mga sinabi sa kanila ng mga pastol, 19 pero tinandaan ni Maria ang lahat ng pananalitang ito, at pinag-isipan niyang mabuti ang kahulugan ng mga ito.*+ 20 Pagkatapos, bumalik ang mga pastol sa kanilang kawan habang niluluwalhati at pinupuri ang Diyos dahil sa lahat ng kanilang narinig at nakita, gaya ng sinabi sa kanila.
21 Pagkalipas ng walong araw, nang panahon na para tuliin ang sanggol,+ tinawag siyang Jesus, ang pangalang sinabi ng anghel bago pa siya ipagbuntis.+
22 Gayundin, nang panahon na para sa pagpapabanal sa kanila ayon sa Kautusan ni Moises,+ dinala nila siya* sa Jerusalem para iharap kay Jehova, 23 gaya ng nakasulat sa Kautusan ni Jehova: “Ang bawat panganay na lalaki* ay dapat ialay kay Jehova.”+ 24 At naghain sila ayon sa sinasabi sa Kautusan ni Jehova: “isang pares ng batubato o dalawang inakáy ng kalapati.”+
25 At may isang lalaki sa Jerusalem na nagngangalang Simeon. Siya ay matuwid at may takot sa Diyos, na naghihintay sa kaaliwan ng Israel,+ at sumasakaniya ang banal na espiritu. 26 Isiniwalat din sa kaniya ng Diyos sa pamamagitan ng banal na espiritu na hindi siya mamamatay nang hindi niya nakikita ang Kristo ni Jehova.+ 27 Sa patnubay ng espiritu, pumasok siya ngayon sa templo. At nang dalhin ng mga magulang sa loob ang batang si Jesus para gawin sa kaniya ang ayon sa hinihiling ng Kautusan,+ 28 kinarga ni Simeon ang bata at pinuri ang Diyos at sinabi: 29 “Ngayon, Kataas-taasang Panginoon, maaari nang mamatay nang payapa ang iyong alipin;+ natupad na ang sinabi mo, 30 dahil nakita ko na ang isa na magdadala ng kaligtasan*+ 31 na isinugo mo para makita ng lahat ng bansa,+ 32 isang liwanag+ na mag-aalis ng talukbong mula sa mga bansa+ at isang kaluwalhatian sa iyong bayang Israel.” 33 At ang ama at ina ng bata ay nagtataka sa mga bagay na sinasabi tungkol sa bata. 34 Pinagpala rin sila ni Simeon at sinabi kay Maria na ina ng bata: “Ang batang ito ay isinugo ng Diyos para sa pagbagsak+ at sa muling pagbangon ng marami sa Israel+ at para maging isang tanda na tutuligsain+ 35 (oo, isang mahabang espada ang patatagusin sa iyo),*+ para malantad ang pangangatuwiran ng maraming puso.”
36 Naroon din ang propetisang si Ana, na anak na babae ni Fanuel, mula sa tribo ni Aser. May-edad na ang babaeng ito. Nag-asawa siya noong kabataan siya,* pero pitong taon lang silang nagkasama ng asawa niya; 37 isa siyang biyuda na 84 na taóng gulang na. Lagi siyang nasa templo, na sumasamba araw at gabi na may pag-aayuno* at mga pagsusumamo. 38 Nang mismong oras na iyon, lumapit siya, nagpasalamat sa Diyos, at nagsalita tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay sa pagliligtas sa Jerusalem.+
39 Kaya nang matupad nila ang lahat ng bagay ayon sa Kautusan ni Jehova,+ bumalik sila sa Galilea sa kanilang sariling lunsod, sa Nazaret.+ 40 At ang bata ay patuloy na lumalaki, lumalakas, at nagiging marunong, at ang pabor ng Diyos ay patuloy na sumakaniya.+
41 Nakaugalian na ng mga magulang niya na pumunta sa Jerusalem taon-taon para sa kapistahan ng Paskuwa.+ 42 At nang 12 taóng gulang na siya, pumunta sila sa kapistahan+ gaya ng lagi nilang ginagawa. 43 Nang matapos ang mga araw ng kapistahan at pauwi na sila, naiwan sa Jerusalem ang batang si Jesus, at hindi iyon napansin ng mga magulang niya. 44 Inakala nilang kasama siya ng grupong sama-samang naglalakbay pauwi. Kaya isang araw na silang nakapaglakbay nang hanapin nila siya sa kanilang mga kamag-anak at kakilala. 45 Pero nang hindi nila siya makita, bumalik sila sa Jerusalem at hinanap siyang mabuti. 46 Pagkalipas ng tatlong araw, nakita nila siya sa templo. Nakaupo siya sa gitna ng mga guro habang nakikinig at nagtatanong sa kanila. 47 At ang lahat ng nakikinig sa kaniya ay hangang-hanga sa kaniyang unawa at mga sagot.+ 48 Nang makita siya ng mga magulang niya, nagulat sila, at sinabi ng kaniyang ina: “Anak, bakit mo ginawa ito? Alalang-alala kami ng tatay mo sa paghahanap sa iyo.” 49 Pero sumagot siya: “Bakit ninyo ako hinahanap? Hindi po ba ninyo alam na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?”+ 50 Pero hindi nila naintindihan ang sinabi niya.
51 Pagkatapos, sumama siya sa kanila pabalik sa Nazaret, at patuloy siyang naging masunurin sa kanila.+ Tinandaan ding mabuti ng kaniyang ina* ang lahat ng pananalitang ito.+ 52 At si Jesus ay patuloy na lumaki, lalong naging marunong, at lalong naging kalugod-lugod sa Diyos at sa mga tao.