Liham sa mga Taga-Roma
12 Kaya mga kapatid, dahil maawain ang Diyos, nakikiusap ako sa inyo na iharap ninyo ang inyong katawan+ bilang isang haing buháy, banal,+ at katanggap-tanggap sa Diyos,+ para makapaglingkod kayo sa kaniya* gamit ang inyong kakayahan sa pangangatuwiran.+ 2 At huwag na kayong magpahubog sa sistemang ito,+ kundi magbagong-anyo kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip,+ para mapatunayan ninyo sa inyong sarili+ kung ano ang mabuti, katanggap-tanggap, at perpektong kalooban ng Diyos.
3 Sa pamamagitan ng walang-kapantay* na kabaitan na ibinigay sa akin, sinasabi ko sa inyong lahat na huwag mag-isip nang higit tungkol sa sarili kaysa sa nararapat,+ kundi ipakita ninyo ang katinuan ng inyong pag-iisip+ ayon sa pananampalataya na ibinigay* ng Diyos sa bawat isa sa inyo.+ 4 Kung paanong ang isang katawan ay binubuo ng maraming bahagi+ na magkakaiba ng gawain, 5 tayo rin, kahit marami, ay isang katawan kaisa ni Kristo at mga bahaging magkakaugnay.+ 6 At dahil sa walang-kapantay na kabaitan ng Diyos, tumanggap ang bawat isa sa atin ng iba’t ibang kakayahan,*+ kaya kung ito ay may kinalaman sa panghuhula, manghula tayo ayon sa taglay nating pananampalataya; 7 kung sa paglilingkod sa iba, patuloy tayong maglingkod;* kung sa pagtuturo, patuloy siyang magturo;+ 8 kung sa pagpapatibay, patuloy siyang magpatibay;+ kung sa pamamahagi, maging mapagbigay siya;+ kung sa pangangasiwa, maging masipag* siya;+ o kung sa pagpapakita ng awa, gawin niya ito nang buong puso.+
9 Mahalin ninyo ang isa’t isa nang walang pagkukunwari.*+ Kamuhian ninyo ang masama;+ ibigin ninyo ang mabuti.+ 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at maging magiliw sa isa’t isa.+ Mauna kayo sa pagpapakita ng paggalang sa iba.+ 11 Maging masipag kayo, hindi tamad.*+ Maging masigasig kayo dahil sa banal na espiritu.+ Magpaalipin kayo para kay Jehova.+ 12 Magsaya kayo dahil sa pag-asa ninyo. Magtiis kayo habang nagdurusa.+ Magmatiyaga kayo sa pananalangin.+ 13 Magbigay kayo sa mga alagad* ayon sa pangangailangan nila.+ Maging mapagpatuloy kayo.+ 14 Humiling sa Diyos ng pagpapala para sa mga mang-uusig,+ at huwag ninyo silang sumpain.+ 15 Makipagsaya sa mga nagsasaya; makiiyak sa mga umiiyak. 16 Ituring ninyo ang iba na gaya ng inyong sarili; huwag maging mapagmataas,* kundi maging mapagpakumbaba.+ Huwag ninyong isiping matalino kayo.+
17 Huwag gumanti kaninuman ng masama para sa masama.+ Gawin kung ano ang mabuti sa pananaw ng lahat ng tao. 18 Kung posible, hangga’t nakadepende sa inyo, makipagpayapaan kayo sa lahat ng tao.+ 19 Huwag ninyong ipaghiganti ang inyong sarili, mga minamahal, kundi bigyang-daan ninyo ang poot;+ dahil nasusulat: “‘Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti,’ sabi ni Jehova.”+ 20 Kundi “kung nagugutom ang kaaway mo, pakainin mo siya; kung nauuhaw siya, bigyan mo siya ng maiinom; dahil sa paggawa nito, makapagtutumpok ka ng baga sa ulo niya.”+ 21 Huwag kang padaig sa masama, kundi patuloy na daigin ng mabuti ang masama.+